VILMA SANTOS, NAGDIWANG NG IKA-6 NA DEKADANG KARERA SA SHOWBIZ INDUSTRY

Nagpahayag ng pasasalamat ang Star for All Seasons na si Vilma Santos matapos niyang masaksihan ang kanyang cinematic legacy sa “Vilma Night” exhibit na pinangunahan ni Jerome Gomez at Erwin Romulo at dinaluhan ng mga Vilmanians.

Ito ay bilang bahagi nang pagdiriwang ng ika-6 na dekada niya sa showbiz industry.

Magkahalong pananabik at saya ang naramdaman ng aktres ng kanyang makita ang mga naging proyekto sa industriya, kabilang ang “Trudis Liit” na kanyang kauna-unahang drama na pinagbidahan noong siya ay siyam na taong gulang pa lamang.

“First time I’ve experienced something like this. I’ve been in the industry for more than six decades. Actually, I used to be the one presenting exhibits, especially when I was a public servant. But for the first time, I am the one being given this and for that, I am very, very grateful,” pagbabalik tanaw ng aktres.

Kasama sa exhibit ay ang mga behind-the-scenes photos, movie stills, artwork, OSTs, posters, betamax tapes to clips na galing sa movies ni ate Vi at eponymous TV show noong ‘80s na nagmula sa private collection ng Doctor na si Martin Magsanoc.

“Naiinggit ako kay Doc Martin. When I walked in earlier, I really got goosebumps. It’s because I don’t have copies like these. It made me reminisce about my career,” namamanghang wika pa ng aktres.

Bukod sa naturang collection ni Dr. Magsanoc, kabilang rin sa naka display sa “Vilma Night” ay ang ibat-ibang naging proyekto ni Ate Vi sa showbiz industry kagaya ng, “Dyesebel” (1973), “Darna and the Giants” (1974), “Tag-Ulan sa Tag-Araw” (1975), “Burlesk Queen” (1977), “Ikaw ay Akin” (1978), “Romansa” (1979), “Langis at Tubig” (1980), “Ang Galing Galing Mo, Mrs. Jones” (1980), “Pakawalan Mo Ako” (1981), “T-Bird at Ako” (1982), “Gaano Kadalas ang Minsan?” (1982), “Relasyon” (1982), “Broken Marriage” (1983), “Alyas Baby Tsina” (1984), “Sister Stella L.” (1985), “Yesterday, Today, and Tomorrow” (1986), “Palimos ng Pag-ibig” (1986), “Saan Nagtatago ang Pag-ibig?” (1987), at ang “Pahiram ng Isang Umaga” (1989).

Sa pagbabalik tanaw ng aktres ay nasabi niya na hindi nya rin lubos naisip na ang kanyang mga nasabing pelikula ay maghahatid ng magandang mensahe at inspirasyon sa mga manonood.

“Even the time when I did ‘Sister Stella L.,’ a film which until now is being praised, ang feeling ko nuon artista lang ako, inaarte ko lang si Sister Stella L. But later on, when I became more mature, when I became a public servant, dun ko na-realize, na ang ganda pala ng message ng movie. This was a film about workers, and if you look at real life, it’s still a problem today. I realized how meaningful and relevant that movie I made was. When you mature, you realize you’ve made films like this. I’m so proud of that,“ masayang pagbabahagi ni Ate Vi