Nag viral ang mga larawan na kuha sa bagong kasal na sina Ñino Basco at Yanna Ferrera- Basco dahil sa pamimigay nila ng libreng gulay at prutas sa kanilang kasal. Ayon sa kwento ng mag asawa, gusto nila na mapakinabangan ng mga bisita nila ang kanilang magiging souvenirs kaya naisipan nila ang ganitong pakulo.
“A year ago, before wedding po nag-iisip po kami ng wife ko ng souvenir for guests, then one time magkakasama kami ng pinsan ko at ni wife, naisip po namin na bakit di na lang yun mga tanim ko na gulay. Ayaw po kasi namin ng giveaways na itatambak lang sa bahay, naisip po namin mas okay po yung mapapakinabangan,” pahayag nito sa exclusive interview ng PSND.
” Nag-oorganize po kasi kami ng Free Store sa church, so dun po galing ypng idea. May isang booth sa wedding kung saan pwede ka mag-shopping at libre lahat yun makukuha mo,” dagdag pa niya.