Umakyat sa trending list ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano matapos magpost ng litrato ang aktor na si Donny sa kanyang Instagram account, kasama ang ka-loveteam nitong si Belle.
“OKAYY vacations over… we miss ya Btw cookin something up hope ur ready
,” caption ng aktor na umani ng samu’t-saring reaksyon at komento mula sa publiko.
Ang naturang post ay nakapagpasabik din sa mga netizens online dahil na rin sa anticipation ng fans na may bagong proyekto na binubuo para sa dalawa.
Si Donny at Belle o mas kilala bilang ‘DonBelle’ ay minsan nang naghatid ng saya at kilig sa kanilang fans noong sila ay bumida sa top hit teleserye na “Can’t Buy Me Love” at ginampanan ang role bilang sina Ling at Binggo na hinarap ang lahat upang maipaglaban ang kanilang natatanging pag-iibigan.
Natapos ang nasabing teleserye nito lamang ika-10 ng Mayo at nag-iwan ng labis na paghanga sa mga manonood lalo na sa kanilang mga fans.
Ngayon ay muling inaabangan ang balik tambalan ng nasabing love team para sa haka-hakang bagong proyekto na maaaring ihain sa kanilang dalawa.
“HUHUHU!!! Grabe parang ang tagal nyo nawala! Naiyak ako ng slight! Mishewwww DonBelle! Ready na kami kahit ano pa yan!!! ”, ”We miss you both so much! Ad (and) we’re excited for the upcoming project
”, “Omg!!! Excted na kamiiiii
”, “Miss you too!!! Can’t wait for what’s u’re cookin’
”. Ilan lamang ito sa naging komento ng mga fans na nagpapakita ng kanilang suporta para sa ‘DonBelle’.
”SO READY” dagdag na komento rin ni Hannah Pangilinan sa naturang post ng kanyang kapatid na si Donny.
Samantala, wala pang pormal na anunsyo mula sa ‘DonBelle’ o kanilang management tungkol sa haka-hakang proyekto. Ngunit, sa kasalukuyang buzz at excitement na ipinapakita ng kanilang mga tagasuporta ay tila hindi na magiging surpresa kung sakali mang mayroon ngang bagong proyekto ang kilalang love team.
Photo courtesy: ABS CBN News