Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Raffy Tulfo nitong Huwebes, na nais niyang magkaroon ng isang processing center para sa mga pasahero ng mga chartered at pribadong flights, na binibigyang-diin na ang mga VIP na ito, pati na rin ang kanilang mga bagahe Lalo na’t hindi ito sumasailalim sa regular na screening process.
Binanggit ni Sen. Tulfo na ang mga flights na ito ay inaabuso ng mayaman na kriminal, mga lumalabag sa batas, at mga itinuturing na persona non grata na pumapasok at lumalabas ng bansa. Idinagdag pa na maaaring nakatakas na ang suspendidong Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa pamamagitan ng ganitong paraan.
Sinabi ni Sen. Gatchalian na maaaring may escape plan si suspended Mayor Alice Guo patungong China.
“Kung mga taong lalabas ng bansa natin gamit ang chartered planes, gusto ko na dumaan sila sa butas ng karayom dahil dyan nakakatakas ang mga manlalabag sa batas. Paano natin malalaman kung nakatakas na si [Alice Guo], sa tingin ko narinig ko na nakatakas siya gamit ang sistemang iyon,” sabi ni Tulfo. Kinumpirma ng Bureau of Customs na walang X-ray check na ginagawa sa mga bagahe ng mga chartered flights.
“Akalain mo itong mga chartered airlines, sakay itong mga pasahero kung saan-saang bansa, nakakalibre sila, hindi sila naiinspeksyon,” dagdag pa ni Tulfo.
Ipinahayag ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Castro Ines na gagawin ang isang pagsusuri at nabanggit na ito sa security group ng bagong kontratista na pinamumunuan ng San Miguel Corporation na inaasahang papasok sa Setyembre 2024.
Sinabi ni Castro na ang VIP system ay kadalasang ginagamit ng mga opisyal ng gobyerno, ngunit sinabi ni Sen. Tulfo na ang mga opisyal ng gobyerno ay hindi dapat mai-konsidera at dapat sumailalim sa regular na proseso ng screening.
Photo Courtesy: Reuters photo