Sen. Cynthia Villar, nais tumakbo bilang mayor ng Las Piñas

Inamin ni Senator Cynthia Aguilar –  Villar, ang kaniyang pagbabalak na pagtakbo bilang mayor o congresswoman sa 2025 eleksyon na gaganapin sa buwan ng Mayo, kasabay ng pagtatapos sa kaniyang kasalukuyang titulo bilang Chairperson ng Senate Committees Environment and Agriculture.

 

Nabanggit ng Senadora na gusto niyang ipagpatuloy ang kaniyang advocacy, (I want to continue my advocacy.) sa kaniyang nasimulan sa lungsod ng Las Piñas. Kabilang na rito ang farm school, Las Piñas and Parañaque Wetland Park, River Rehabilitation Program, Drug Rehabilitation Center, Villar City, at ang iba’t ibang subdivision homes sa lungsod.

 

Nasa huling termino na rin ang senadora kung kaya’t nais na nitong magbitiw sa susunod na Senatorial Election, ngunit nasabi naman ni dating Senator Manny Villar, mas pipiliin nitong maging kongresista nalang ang kaniyang asawa.

 

Nagpahayag naman si Sen. Cynthia Villar na maaari nitong makalaban sa lokal na puwesto ang kaniyang pamangkin. Ang kasalukuyang Vice Mayor ng lungsod na si April Aguilar. 

 

“Buong pamilya ko is supportive of me..In-law ko naman ‘yon e.”, matapos nitong sabihin na makakalaban niya sa puwesto ang pamangkin.

 

“Hindi kasi ako kumakausap ng ganiyan. Lumapit sila sa akin. Hindi ako lalapit sa kanila.” dagdag naman ni Senadora kung sakaling magharap at huminging magpaubaya ang isa sa kahaharaping tungkulin.

 

Kinumpirma ng senadora ang pagkakaroon nito ng sariling bagong vice mayor, at inaming hindi ito kabilang sa kaniyang mga kamag-anak.

 

Kasalukuyang kinikilala ang pamamalakad ng mga Aguilar sa Las Piñas, kasama ang pakikipag-ugnayan nito sa mga Villar projects sa lugar.

 

Inaasahan din ang pagtakbo sa Senado ng kaniyang anak na si House Deputy Speaker Camille Villar sa susunod na halalan.

 

Hanggang ngayon, pagbabalak pa lamang ang binanggit ng senadora sa kaniyang pagiging Mayor, at nasabi rin nito na sa Oktubre pa siya magbibitaw ng pinal na desisyon, malalaman sa filling of candidacy ng Commission on ELections (Comelec). 

 

“Kung ayaw nila ako, sila ang minalas.”, aniya.

 

Photo Courtesy: Senate of the Philippines