Nagpasalamat ang pinuno ng Philippine Space Agency (PhilSA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa publiko noong Martes ika-23 ng Hulyo para sa kanilang suporta sa ahensya at sa space program.
Sa kanyang ikatlong SONA noong Lunes, sinabi ni Marcos na ang mga satellite sa kalawakan ay nakabuo na ng mahigit 51,000 na mga litrato, mapa at mga datos na gagamitin sa ibat-ibang layunin.
(Nagpapasalamat tayo sa Pangulo at sa ating mga kababayan sa kanilang suporta. Ang PhilSA ay isang apat na taong ahensya na nagsusumikap na mag-ambag sa bayan) ,ayon kay PhilSA director General Joel Marciano Jr. sa kanilang diskusyon na ginanap sa isang hotel sa Pasay City.
Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng domain para sa pambansang seguridad at pag-unlad,hazard management, pag-aaral, pagpapabuti ng katatagan ng klima, seguridad sa pagkain, kamalayan sa maritime domain awarenss, at iba pa.
(Labing-anim sa aming mga space engineer ay nasa United Kingdom na nagpapatuloy sa paggawa at pagbuo ng Multi-Spectral Unit for Land Assessment, o ang MULA satellite. Kapag nakumpleto na, ang MULA satellite ang aming pinakamalaking earth observation satellite na ilulunsad sa kalawakan sa ngayon,) ayon kay Pangulong Marcos.
Ipinahayag ni Marciano ang pag-asa na patuloy na susuportahan ang mga scientist at space engineers, dahil katuland rin sila ng mga atleta na nakikipagkumpitensya sa pandaigdigang antas upang mapabuti ang kakayahan ng ating bansa. Ipinunto din ni Marciano na ang Pilipinas ay hindi bumibili ng mga satellite bagkus ito ay ginagawa.
“Kabilang dito ang pagkakaroon ng lisensya para sa paggawa ng mga ito sa bansa. Nagbubukas ito ng pagkakataon para sa pagbuo ng isang matibay na base ng industriya sa bago at kapana-panabik na larangan ng Space Technology,” ani niya.