Philippine Coast Guard ni-rescue ang panglawang tanker na lumubog sa Bataan

Nagsagawa ng underwater assessment ang Philippine Coast Guard (PCG) nito lamang linggo ng umaga, ika-28 ng Hulyo sa Barangay Cabcaben, Mariveles, Bataan dahil sa isang motor tank na lumubog sanhi ng patuloy na pag-ulan at malakas na hangin na nagdulot ng malakas na hampas ng alon sa ilang karagatan sa Luzon.

Pinapangambahan naman ng ilang residente na malapit sa nasabing lugar ang magiging sanhi ng lumubog na tanker sa karagatan.

Ayon sa Lieutenant Commander ng PCG Station Bataan na si Michael John Encina, walang laman ang tanker nang lumubog ito, ngunit tumagas ang krudong gamit ng tanker. Inaasahang matatapos ang salvage operation ng MTRK Jason Bradley isa hanggang dalawang linggo.

Matapos ang insidente sa na unang tanker, nakapag install na ang PCG ng mga aparatos sa nasabing lugar upang mamonitor kung may posibleng oil leak, ayon ito sa spokesperson Rear Admiral na si Armando Balilo.

“Our ships are there, all the equipment needed by the Harbor Star have already been prepositioned, and we know the location of the submerged ship, we just cannot proceed with siphoning as of today. But it is just a minor leak.” ayon kay Balilo.

Patuloy pa rin ang pagreresponde sa oil leak sa na unang lumubog na barko na may lamang 1.4 milyong litro ng langis ang. Inaasahan ang pagtatakip ng siyam na butas MT Terra Nova itong darating na Martes kasama ang divers ng PCG, ayon pa rin ito kay Balilo.

Inaalam din ng PCG kung may koneksyon ang dalawang paglubog ng tanker at patuloy pa rin hanggang ngayon ang pangangalap ng impormasyon.

Photo Coutesy: Philippine Coast Guard