Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., may +47 Net Satisfaction Rating sa Bagong SWS Survey – Tumaas ng 3 puntos mula sa Setyembre 2023

Sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey, nakamit ni Pang. Bongbong Marcos ang isang net satisfaction rating na+47 noong Disyembre 2023, kumpara sa kaniyang dating rating na +44 noong Septyembre 2023.

 

“Compared to September 2023, gross satisfaction with President Marcos stayed at 65%, gross undecided rose from 14%, and gross dissatisfaction fell slightly from 21%. The resulting net satisfaction rating is +47 (% satisfied minus % dissatisfied), classified by SWS as good (+30 to +49). This is 3 points up from the good +44 in September 2023,” ulat ng SWS.

 

(Kumpara sa Setyembre 2023, nanatiling 65% ang overall satisfaction kay Pangulong Marcos, tumaas ang percentage ng undecided mula sa 14% hanggang 21% at bahagyang bumaba ang dissatisfaction . Ang resulta ng net satisfaction rating na +47 ay nasa kategoryang ‘maganda’ ayon sa SWS (+30 hanggang +49) na nagpapakita ng pagtaas ng pagtaas na 3 puntos mula sa +44 rating noong Setyembre 2023)

Binanggit din ng SWS na mas mataas ang satisfaction rating sa mga respondents na hindi nakatapos ng mas mataas na edukasyon, at ito ay unti-unting bumababa habang tumataas ang antas ng edukasyon.

 

“President Marcos’ net satisfaction rating was very good +51 among those who either had no formal education or some elementary education, very good +56 among those who either finished elementary or had some high school education, good +45 among those who either finished junior high school, had some vocational schooling, had some senior high school, finished senior high school, completed vocational school, or attended some college, and good +36 among those who either graduated from college or took post-graduate studies,” ayon sa SWS

(Ang net satisfaction rating ni Presidente Marcos ay napakaganda na +51 sa mga walang formal na edukasyon o may ilang elementaryang edukasyon, napakaganda na +56 sa mga nakatapos ng elementarya o may ilang high school na edukasyon, maganda na +45 sa mga nakatapos ng junior high school, may ilang vocational schooling, may ilang senior high school, nakatapos ng senior high school, nakumpleto ang vocational school, o may ilang kolehiyo, at maganda na +36 sa mga nakatapos ng kolehiyo o nagtapos ng post-graduate studies)

Ang SWS survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face na panayam mula Disyembre 8 hanggang 11, 2023, sa 1,200 na mga adulto. Ang mga respondents ay nasa pantay na distribusyon sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Photo Courtesy: Bongbong Marcos’ Facebook page