P600k na halaga ng smuggled cigarettes, nasabat ng NBI

Nahuli sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation o NBI ang tatlong suspek dahil sa iligal na pagpupuslit nito ng mga iba’t-ibang klase ng sigarilyo sa Santa Rosa, Laguna.

 

Sa ilalim ng pangangasiwa ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.) kinasa ang operasyon nitong ika-29 ng Hulyo sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa, Laguna na nagresulta sa pagka aresto nina Danilo Del Barrio Daniel, Gilberto Pahati Ramos, at Menandro L. Saway Jr.

 

Ang mga nasamsam mula sa mga suspek ay nasa  1,000 rims ng sigarilyo at ito ay hindi  tinatayang nagkakahalaga ng P600,000 sa merkado.

 

Nakakuha rin ang mga awtoridad ng .40 caliber pistol, dalawang .40 caliber magazine, at 20 live .40 caliber na mga bala sa mga suspek.

 

Napag alaman na ang isa sa mga suspek na si Gilberto Pahati Ramos ay isa umanong Barangay Chairman sa Barangay Anyatam, San Ildefonso, Bulacan.

 

Ang mga  suspek ay nahaharap sa paglabag sa Section 263 of RA No. 8424 ng  National Internal Revenue Code at sila ay sumailalim sa standarbooking at arrest procedures at  nakadetained sa NBI-Laguna District Office (NBI-LAGDO).  

 

Photo Courtesy: Bureau of Customs