Binuo noong 2020 ng K-pop Hit makers na Black Eyed Pilseung o mas kilalang duo na sila Choi Kyu-sung at Song Joo-young ang K-pop girl group na STAYC na binubuo nila Sumin, Sieun, Isa, Seeun, Yoon, at J. Ang grupo ay unti-unting nakikilala at patuloy na umuunlad sa larangan ng industriya ng musika na may sunod-sunod na catchy single sa ilalim ng kanilang tema na “teen fresh” na kanilang music branding.
Ika-1 ng Hulyo noong inilabas ang kauna-unahang full album ng STAYC na pinamagatang “Metamorphic”, mula sa kanilang “teen fresh” na tema. Ayon sa miyembro na si Sumin binanggit niya ang kaunting pagbabago ng tema ng grupo.
“I think that as STAYC changes, ‘teen fresh’ also changes. I think ‘teen fresh’ is STAYC itself, I think it keeps changing. All our songs can be defined as ‘teen fresh.’” – Sumin
Ang kauna-unahang full album ng STAYC ay naglalaman ng 14 na kanta na may iba’t ibang anggulo ng STAYC. Isa sa mga kanta na inilarawan ng grupo ang “Cheeky Icy Thang”
“Cool song with a hot attitude, evoking images of a confident runway strut on a sizzling street.”
Ipinaliwanag ni Sumin na pinili ng grupo ang “summer song” dahil ito ay patok ngayong summer season sa South Korea na nagsimula noong Hunyo at magtatapos sa Agosto.
Para kay Isa, ang paglabas ng kanilang bagong album na “Metamorphic” ay labis na ikinagagalak ng grupo.
“I’ve always dreamed of releasing a studio album so I was even happier because it felt like another dream had come true,” ayon sa pahayag ni Isa na miyembro ng K-pop girl group STAYC.