Nominado para sa Song of the Year ang “Fortnight” ni Taylor Swift featuring Post Malone

Sa pangalawang pagkakataon, nangunguna si Taylor Swift sa lahat ng nominasyon sa MTV Video Music Awards matapos itong makakuha ng 10 nods para sa taong 2024.

Kasama sa nominado ang kanyang kanta na “Fortnight” featuring Post Malone para sa Video of the Year, Song of the Year, Best Collaboration, Best Direction, Best Cinematography, Best Editing, Best Visual Effects, at Best Art Direction.

Kabilang din si Taylor Swift sa mga nominado para sa Artist of the Year at Best Pop, habang ang Singer ay umaasa na mahigitan o malampasan pa ang kanyang ika-9 na panalo na nakuha mula noong nakaraang taon.

Kasunod ni Swift ay ang rapper na si Post Malone na may 9 nominasyon. Walo sa mga ito ay para sa “Fortnight” habang ang isa ay para sa Best Collaboration sa kanyang kanta na “I Had Some Help” kasama ang country singer na si Morgan Wallen.

Kasama rin sa mga nominado sina Ariana Grande, Sabrina Carpenter, at Eminem na may anim na nominasyon; maging sila ay naghahangad na manalo para sa Artist of yhe Year kasama nina Taylor Swift, Bad Bunny at SZA.

Nominado sa Video of the Year ang “Fortnight,” “We Can’t Be Friends (Wait for Your Love)” ni Ariana Grande, “Houdini” Ni Eminem, “Snooze” ni SZA, “Lunch” ni Billie Eilish, “Paint the Town Red” ni Doja Cat Espresso” ni Sabrina, “Texas Hold ‘Em” ni Beyonce, “Not Like Us” ni Kendrick Lamar, “Lovin on Me” ni Jack Harlow, at “Lose Control” ni Teddy Swims

Photo Courtesy: Taylor Swift (Facebook page)

#TaylorSwift
#MTV
#Fortnight
#Aviethodigital