Inilabas ang bagong awit ni Marlo Mortel na may pamagat na “Huling Ngiti”. Ang awit na ito ay alay sa kaniyang yumaong ina matapos ang matagal na pakikipaglaban sa sakit na cancer noong Agosto 2018.
Matapos ang mahabang pahinga ni Mortel sa paggawa ng mga kanta, ngayon ay nagbabalik na ang singer at aktor sa industriya at muling nakakuha ng motibasyon upang makabalik sa larangan ng musika.
“Huling Ngiti is about the last time I saw my Mom smile. It’s a song about regrets and final moments. Yung akala mo may oras pa, pero ayun na pala ang huling ala-ala mo sa kanya.”, ganiyan inilawaran ni Mortel ang awit na handog sa kaniyang ina.
Humango naman ng iba’t ibang reaksyon ito mula sa nitizens matapos mapakinggan ang awiting handog ni Marlo Mortel sa kanyang ina.
“Congrats bb marlo parang yung baha ngayon ang sakit” – Salley21
“Kudos Marlo Mortel keep up the amazing work” – Fe Villareal
“Eyyyyy Huling Ngiti nice congrats” -Hazel Bagolcol
Ang “Huling Ngiti” ay mapapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms na naglalaman ng makabagbag-damdaming kanta .
Photo Courtesy: Marlo Mortel