Korte Suprema, pinahintulutan si Enrile upang dinggin ang PDAF Case

Ang prosekusyon ay dapat na pahintulutan upang ipakita ang ebidensya kalakip ng mga batas at mga tuntunin.

Inihayag ng Korte Suprema na ang desisyon ay isinulat ni Associate Justice Maria Filomena S. Singh na pinahihintulutan ang Sandiganbayan na magpatuloy sa plunder charges laban kay Juan Ponce Enrile.

Noong taong 2014, kinasuhan ng Ombudsman ng plunder sina Enrile, Jessica Lucila Reyes, Janet Lim Napoles. Ronald Lim, at John Raymund de Asis na may kaugnayan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Enrile.

Naghain si Enrile ng Motion for Bill of Particulars sa Sandiganbayan – ang motion na ito ay pinapayagan ang akusado na humiling ng mga detalye mula sa prosekyuson para sa paghahanda sa paglilitis.

Itinanggi ng Sandiganbayan ang motion ni Enrile. Subalit, inatasan ng Korte Suprema ang prosekusyon noong Agosto 11, 2015 na magpasa ng Bill of Particulars sa ilang bahagi ng motion. Batay sa pagsusuri ng Korte Suprema, may ilang impormasyon na makabuluhan, samantala may iba naman na hindi kinakailangan.

Gayunpaman, tinutulan ni Enrile ang nilalaman ng Pre-Trial Order. Ito ay naglalaman ng mga ginawang aksyon sa pre-trial, mga katotohanan na napagkasunduan ng bawat partido, at mga maliwanag na ebidensiya. Ipinaglaban niya na ang ebidensya mula sa prosekusyon ay dapat na limitado sa mga tinutukoy sa Bill of Particulars.

Ang bill of particulars ay nakakadagdag ng impormasyon sa mga kasong kriminal na nagbibigay ng mga detalye para sa mga akusado upang maintindihan ang teorya ng pag-uusig.

Bagama’t ang bill of particulars ay maaaring limitahan ang ebidensiya ng prosekusyon, nangangahulugan ito na ang ebidensiya ay dapat na nauugnay sa partikular na krimen na sinisingil sa Information.

Nilinaw ng Korte na ang bill of particulars ay hindi at hindi dapat isalaysay ang plano ng paglilitis sa prosekusyon. Sa gayon, inaasahan na ang prosekusyon, sa oras ng paglilitis, ay ibigay ang ebidensiyang hindi nabanggit sa bill of particulars.

Habang ang ibang impormasyon ay hindi kabilang sa Bill of Particulars, ayon sa utos ng Korte sa Desisyon noong taong 2015, ang ilan sa mga ito ay nauugnay sa kaso. Ito ay isinasaalang-alang na ebidensiyang hindi na kailangan sa Bill of Particulars sapagkat ito ay ihaharap sa paglilitis.

Dagdag pa ng Korte na ang bill of particulars, kasama ang Information, ay nakatutulong tukuyin ang mga pangunahing isyu at katotohanan. Hindi ito isang kumpletong listahan ng ebidensiya na ilalahad sa prosekusyon.

 

Photo courtesy: Spot.ph