Pinatunayang muli ng aktres na si Jodi Sta. Maria ang kanyang galing sa pag-arte matapos nya ibahagi sa isang panayam nitong Martes ang kanyang gagawing pag-bida sa isang Revenge drama na ‘Lavender Fields’. Naibahagi rin ng aktres ang excitement at saya na kanyang naramdaman ng kanyang mapanood kahapon ang official trailer ng naturang drama na ni-release ng Dreamscape Entertainment.
Ayon pa sa Asian Academy Creative Awards’ Best Actress, ang nasabing drama ay hindi isang ordinaryong revenge story sapagkat mapapanood rin dito ang iba’t-ibang kwento ng pag-iibigan, duality at redemption.
“It’s a complex love story as well, I’d say it’s a redemption story too. So ang daming nangyayari. Isa ‘yon sa magiging strength I believe ng ‘Lavender Fields’ siyempre contrary to what others believe na ‘ah ano lang ‘yan typical revenge story.’ But no, it’s not. Of course, it’s from Dreamscape Entertainment. I mean this is you know a credible source of beautiful seryes,” pahayag ni Sta. Maria.
Makakasama ding bibida ng aktres sa Lavander Fields ang mga de-kalibre na bituin na sina Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Jolina Magdangal, Krystal Mejes, Marc Santiago, Jana Agoncillo, Maricel Soriano, Edu Manzano, at si Albert Martinez.
“Also the cast, stellar, superb cast ‘yung makakasama. So isa rin ‘yon sa strength ng ‘Lavender Fields’ kasi napakahuhusay ng mga aktor, hindi ba? Powerhouse talaga,” Wika ng aktres. “I always look forward to the set knowing that I’m working with them. I work with Inay (Soriano) before. I worked with Echo (Rosales) that was like ages ako. And it’s my first time working with Janine (Gutierrez.). I’m alta.Mso working with Tito Edu, working with Albert Martinez, Kuya A, na ang sarap-sarap lang to be working with them. Kasi napaka-professional. Parang minsan, pwedeng huwag na ako sumali, papanoorin ko na lang kayo, kasi ang galing. Ang galing parang there’s such a joy to watch,” masayang dagdag nya pa.
“Grabe no, ang hirap pala ng action, parang, paiyakin nyo na lang po ako” Biro ni Sta. Maria ng sya ay tanungin ukol sa preperasyon na kanyang ginawa para sa unang beses nyang pag-ganap sa action drama. “We have to do a lot of preparation, from training to doing cinematic Filipino martial arts to boxing, a lot of strength and conditioning to avoid injuries, and a lot of rehearsals” paglalarawan din ng aktres.
Matatandaan na huling bumida si Sta. Maria sa historic drama na ‘Unbreak My Heart’ na talagang sinubaybayan at pumatok sa masa noong nakaraang taon, kaya naman mas naging kapana-panabik at kaabang-abang ang pagbabalik telebisyon ng aktres ngayong 2024 bilang si Jasmine Flores a.k.a Lavender Fields.