Lunes, ika-29 ng Hulyo nang idineklarang State of Calamity ang lalawigan ng Laoag, Ilocos Norte, matapos mapinsala ng bagyong Carina ang lugar.
Batay sa naging desisyon ng mga miyembro ng Ilocos Norte Provincial Board sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, inilagay ang probinsya sa State of Calamity o Resolution No. 2024-07-330.
Ibinahagi ni Provincial Board Member and Chairperson of the Committee on Natural Calamities Dante Franklin Respicio, na ang pagdeklara bilang State of Calamity sa probinsyang Laoag ay para magamit ang limang porsyentong calamity fund upang tulungan ang mga nasalantang pamilya at maibalik at maisaayos ang mga nasirang imprastraktura sa lalawigan.
“There is a need to declare a state of Calamity for the provincial government to mobilize the use of its 5 percent calamity fund to provide relief to the affected families, as well as to reprogram or realign funds for the repair and rehabilitation of the damaged properties and infrastructure.”, said Respicio.
Umabot sa bilang ng 3, 288 ang Pamilyang naapektuhan sa iba’t ibang lugar tulad ng Adams, Bacarra, Badoc, Bagui, Banna, Batac, Burgos, Laoag, Paoay, Pagudpud, Piddig, at Solsona na kung saan tinatayang nasa isang bilyon na rin ang halaga ng nasalantang mga pananim at imprastraktura, batay sa Provincial Disaster Risk and Management Council (PDRMC).
Ang Ilocos Norte ay may kabuuan na mahigit PHP 9 Milyon na pondo para sa local disaster risk reduction and management, at inaasahang gagamitin ang 30 porsyento nitong hati para sa agarang pag responde at pagbibigay tulong sa mga residenteng nasalanta.
Photo Courtesy: Radyo Pilipinas Laoag