#EntengPH, ang ika-limang bagyo sa bansa para sa taong 2024

Ang ikalimang tropical cyclone ng Pilipinas para sa 2024, ang Enteng ay nabuo mula sa isang low-pressure area sa Samar Island noong gabi ng Setyembre 1 at kumikilos nang pahilaga-kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration. (PAGASA).

Batay sa abiso mula sa weather bureau, ang Quezon ay kasalukuyang nasa Red Rainfall Warning, ang pinakamataas na antas sa ilalim ng color-coded warnings. Inaasahang magkakaroon ng malubhang pagbaha sa mga lugar na madaling bahain.

Samantala, ang Laguna, Batangas, Cavite, Rizal, at Metro Manila ay nanganganib sa pagbaha, dahil sila ay nasa ilalim ng Orange Warning Level.

Yellow Warning naman ang Bulacan at Bataan, na nangangahulugan na posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar at malapit sa mga ilog. 

Kasunod din nito ang mga klaseng sinuspinde dulot ng malakas na pag-ulan. 

 

Luzon

Cavite province – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Laguna province – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Quezon province – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Rizal province – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Camarines Norte – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Camarines Sur – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Naga City – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Catanduanes – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Angeles, Pampanga – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Bataan province –lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Pampanga province

  • Angeles City – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan
  • San Fernando – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Batangas province – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Masbate province

  • Claveria – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Sorsogon province

  • Bulusan –lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan
  • Casiguran – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan
  • Castilla – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan
  • Donsol – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan
  • Juban – preschool hanggang senior high school, pampubliko at pribadong paaralan
  • Magallanes – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan
  • Pilar – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan
  • Santa Magdalena – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Sorsogon City – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

 

Visayas

Antique 

  • Sibalom – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

Negros Occidental

  • San Carlos City – face-to-face classes para sa preschool hanggang senior high school, pampubliko at pribadong paaralan
  • Talisay City – preschool hanggang senior high school, pampubliko at pribadong paaralan

Northern Samar – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

 

Mindanao

Cotabato 

  • Kidapawan – lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan

 

Ang masamang panahon ay maaaring patuloy na gumalaw sa pangkalahatan pahilagang-kanluran hanggang Setyembre 6.

 

Photo courtesy: Filipino Journal