DPWH, aminado na hindi sapat ang flood control master plan

Sa pagdinig sa senado nitong ika-1 ng Agosto inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi pa sapat ang flood control master plan ng pilipinas  sa kabila ng napakalaking pondo na inilaan sa flood control sa paglipas ng panahon

 

Ayon kay DPWH Secretary Manny Bonoan, 5,500 na ang kumpletong flood control projects na inanunsyo sa panahon ng State of the Nation Address ay ang mga agarang relief projects lamang na nagsimula noong nakaraang administrasyon at naantala dahil sa pandemya ng COVID 19 at ang mga proyekto na ito ay hindi bahagi sa integrated master plan.

 

Mayroong 421 na ilog sa buong bansa, 18 sa mga ito ay mga pangunahing ilog kung saan matatagpuan ang mga river basin. Sinabi ni Bonoan na inihahanda pa rin ang ilang master plan sa 18 major river basins.

 

Patuloy na pinapalawak ang mga proyekto na nasimulan sa nakaraang administrasyon at sinisigurado na ang mga kasalukuyang proyekto ay makukumpleto nang maayos at epektibo ng sa gayon ay mapabuti ang kakayahan sa  flood management sa buong bansa.

 

Ang mga flood control project sa Bulacan at Pampanga ay sinasabing magsisimula ngayong taon dahil ang proseso ng paggawa ng detalye at disenyo sa ganitong mga uri ng mga megaproject ay tumatagal dahil kailangan pang suriin ang lupa, sabi ni Bonoan sa mga senador.

 

Inatasan ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang paggawa ng holistic at integrated flood management program kabilang ang water impounding facilities. Ito ay sinang-ayunan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga

Photo Courtesy: Department of  Public Works and Highways