Sa layuning mapalakas ang kakayahan sa pagtatrabaho ng mga mag-aaral ng Senior High School, nilagdaan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Jobs Committee, sa tulong ng Private Sector Jobs and Skills Corporation (PCORP), ang Memorandum of Agreement (MOA) para simulan ang pinalakas na programa ng work immersion.
Nasaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pirmahan noong ika-8 ng Agosto sa Malacañang Palace. Ang pagpirma ng MOA ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang pampubliko-pribadong pakikipagtulungan sa sektor ng industriya.
Kasama ang PSAC strategic convener Sabin Aboitiz, binuo ng mga miyembro ng PSAC Jobs ang PCORP bilang isang non-profit, non-stock corporation upang mag-organisa ng maayos na pambansang kilos sa pagsasama ng gobyerno, industriya, at akademiya upang lutasin ang isyu ng hindi pagtugma sa trabaho at kasanayan sa bansa.
“This partnership marks a significant milestone in our efforts to prepare the next generation for the workforce. By collaborating with DepEd and industry leaders, we can ensure that our students are job-ready and equipped with the skills needed in today’s competitive job market,” ani Joey Concepcion, PSAC Jobs Committee Lead.