BFAR sumaklolo sa mga mangingisdang apektado ng Oil Spill sa Bataan

Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tulungan ang mga mangingisda na apektado ng oil spill sa lumubog na barko sa baybayin ng Limay, Bataan.

 

Ayon sa BFAR patuloy pa rin nilang inaalam kung ano-ano ba ang mga lugar na apektado upang malaman kung anong klase ng tulong ang kanilang maiaabot o maibibgay sa mga naapektuhang mangingisda.

 

Nagsagawa ng pagsusuri ang mga taga BFAR sa tubig na nakapaligid sa lumubog na barko upang matukoy ang pagkakaroon ng langis at grasa, kabilang ang mga delikadong contaminants na tinatawag na polycyclic aromatic hydrocarbons.

 

Sa ngayon makakapagbigay lang kami ng fuel vouchers para ang mga mangingisda ang makapunta sa pinakamalapit na pangisdaan. Inatasan din ang BFAR na makipag coordinate sa Department of Social Welfare (DSWD) para makapag abot ang ahensya  ng food packs sa mga apektadong mangingisda, ayon kay Sec.Tiu Laurel.

 

Nagbibigay din ang BFAR dispersant upang tulungan na mabawasan ang mga langis na tumagas mula sa MT Terranova na lumubog sa baybayin ng Limay, Bataan. Ang mga valves ng lumubog na barko ay selyado na upang matiyak na hindi na ito tatagas, ayon sa coast guard.

 

Photo Courtesy: Department of Agriculture