Bagong Kabalikat sa Pagtuturo, Nilagdaan na

Kamakailan lamang, nilagdaan ang mga patakaran at regulasyon (IRR) ng Republic Act no. 11997, o mas kilala bilang Kabalikat sa Pagtuturo Act. Ang pagtataas ng annual teaching allowance mula Php3,500 patungo sa Php5,000 ngayong taon, at asam na umaabot sa Php10,000 sa susunod na taon ng paaralan, ay isa sa mga pangunahing probisyon ng batas na ito.

Ang pagpirma sa IRR ng nasabing batas ay isinagawa sa pangunguna ni Kalihim ng Departamento ng Edukasyon na si Sonny Angara, kasama ang mga nagsusulong nito sa Senado tulad nina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Senado Presidente Francis Escudero, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Joel Villanueva, Sen. Imee Marcos, Sen. Cynthia Villar, ACT Teachers Rep. France Castro, at Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla.

Ipinapakita ng pagtataas ng alokasyon para sa mga guro ang patuloy na pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang mahalagang kontribusyon sa sektor ng edukasyon, kasabay ng hangaring mapalakas at mapabuti ang kanilang kalagayan at kaginhawaan.