Ipinahayag ni Angeline Quinto ang English version ng original soundtrack (OST) ng K-pop boy group na BTS na hango sa Korean drama series na may pamagat na “Begins ≠ Youth.” Nagalak naman ang singer at aktres na si Angeline Quinto dahil isa siyang tagahanga ng nasabing grupo na BTS.
Bilang isang tagahanga ng BTS, bibigyan bersyon ni Angeline Quinto ang ‘Take it All’ na orihinal na inawit ng South Korean artist na si JEMMA.
“I’m a K-drama fan, kaya kinilig ako when I was told about this project. Tapos BTS-related pa- I am a fan, too, and most of my friends and bosses in ABS-CBN are ARMYs so I felt really happy,” -Angeline Quinto
Nagpapasalamat ang singer at aktres sa pagkakataong mapasama sa isang proyekto na inspired sa mga Korean superstars, natuwa naman si Angeline sa mga pahayag mula sa mga fellow ARMYs.
“I’m thrilled as in. Sino ba ang hindi fan ng BTS?! And so far, I’m so happy and grateful with the response of the Pinoy ARMYs. Napaka-supportive nila and it makes my purple heart very, very happy,” ika ng singer at aktres na si Angeline Quinto.
Ang orihinal na track at ang English version ay parehong hamon para kay Angeline Quinto, at para sa kanya, ito ay kakaibang experience dahil sa pagkakataon na ito ay mayroong language barrier.
“But somehow, we connected like the old cliché that says music talaga is universal language,” -Angeline Quinto
“The original version — you can feel it’s very emotional and low-key. At first, I thought mahihirapan ako with all the years of belting songs. But it turned out really well with the guidance of my Korean producers. Sanay ako sa emotions and I am happy with how it turned out to be. Everybody is happy actually,” – Angeline Quinto
Isang malaking karangalan para kay Angeline at ito ay magsisilbing daan patungo sa mas maraming oportunidad para sa international collaborations.
“Personally, I am looking forward to making more collaborations with Korean composers and music producers. Their ways are little different from how we do it here in the country, so I am also learning a lot about new ways on music production.”
Hangad ng singer na magustuhan at maging masaya ang mga Pilipino at Koreano sa kaniyang bagong bersyon ng kanta dahil binigyan niya ito ng panibagong timpla.