Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay naglabas ng kanilang inisyal na pag-aaral ukol sa mga epekto ng reclamation projects sa Manila Bay.
Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga noong ika-1 ng Agosto, ang mga pagbabago sa mga istraktura ay magkakaroon negatibong epekto sa natural na daluyan ng tubig at mapapabagal ito. Maaari ring magbago ang kalidad ng tubig sa Manila Bay dahil sa mga aktibidad sa reclamation
Ipinaliwanag ni Sec. Loyzaga sa pagdinig sa senado na isinasagawa pa rin ang cumulative impact assessment ng ahensya sa mga pagbaha kamakailan na dulot ng Super Typhoon Carina at habagat, ngunit mayroon na itong preliminary results.
Ina-update rin umano ng DENR ang kanilang mga model simulation upang maisama ang mga scenario ng mga weather system tulad ng Carina.
Pinaniniwalaan naman ng mga senador na ang reclamation activities ang may kasalanan sa lumalalang baha sa Manila Bay area.
Mayroong kabuuan na 2, 576 na ektarya ang baybayin ng Manila Bay na nareclaim sa loob lamang ng National Capital Region (NCR)
Matatandaan na sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na suspindido na ang lahat ng 22 reclamation projects sa Manila Bay noong 2023. Karamihan sa mga aktibidad na ito ay inaprubahan noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit, ilang buwan lamang ang nakalipas ay dalawang reclamation projects ang inaprunahan sa Manila Bay, ito ay ang Pasay Harbour City Reclamation Project at ang Pasay Reclamation Project.
Photo Courtesy: Department of Environment and Natural Resources