Website na ginawa ng UP na NOAH, nakatulong sa mga apektado ng Baha

Ang University of the Philippines (UP) ay gumawa ng website na pinangalanang Nationwide Operational Assessment of Hazards o mas kilalang  NOAH upang masuri kung gaano kabilis bumaha ang isang lugar.

Ang malakas na pag-ulan na dulot ng Super Typhoon Carina  ay nagdulot ng pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon noong Miyerkules, ika-24 ng Hulyo.

 Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga lugar na apektado ng pagbaha ay makakatulong sa mga tao upang sila ay makapaghanda, ito ang sabi ng UP Resilience Institute sa kanilang post nitong Miyerkules.

Kapag pupunta sa website maaaring mag-type ng lokasyon ang isang user o i-click ang “Iyong Kasalukuyang Lokasyon”  pagkatapos, gagawa ang site ng mapa ng napiling lokasyon at magpapakita ng mga kahon na nagsasabi sa user ng antas ng panganib ng pagbaha, pagguho ng lupa, at storm surge sa lugar.

Para sa mga mobile device user, lumalabas ang mapa sa itaas ng screen habang ang mga antas ng panganib naman ay lumalabas sa ibabang bahagi ng screen

 

Kabilang sa mga hazards na kasama sa map’s database ng NOAH ay ang mga sumusunod:

 

  • 100 na taon ng pag-ulan na bumabalik bilang baha
  • Mababaw at structurally-controlled na pagguho ng lupa
  • 5-meter para sa storm surge

 

Sa ilalim ng hazard level ay mayroong mga listahan ng mga malalapit na pasilidad tulad ng ospital, health stations, at public schools. Mayroon ding panuto na nakalagay doon kung anu-ano ang gagawin sa tuwing may kalamidad kagaya ng pagbaha, landslide, at storm surge. Dagdag na rin kung anu-ano ang ilalagay sa loob ng survival kit.

Ang UP NOAH ay nagmula sa Project NOAH – ito ay idinisenyo upang pagsamahin ang datos ng kalamidad sa buong Pilipinas upang matulungan ang mga komunidad na maghanda. 

Itong proyekto ay itinatag noong 2012 sa pamumuno ng dating pangulo Benigno Aquino III ngunit ito ay nahinto sa kasagsagan ng administrasyon ng mga Duterte noong 2017 dahil sa kawalan ng pondo.

 

Photo Courtesy: National Operational Assessment of Hazards