BINI, nag-iwan ng marka sa KCON Los Angeles 2024

Nag tanyag ng marka ang BINI bilang kauna-unahang PPOP Group na nagtanghal sa KCON 2024 noong Linggo, ika-27 ng Hulyo.

Sapagkat hindi nakasama ang leader ng grupo na si Jhoanna Robles dahil ito ay nagkasakit, matagumpay na nairaos ng PPOP Group na BINI ang kanilang performance sa KCON LA 2024.

Ang BINI ang kauna-unahang P-POP act na nagtanghal sa entablado ng KCON, na tinitingnan bilang isang malaking oportunidad, hindi lamang upang palakihin ang pangalan ng grupo sa industriya kundi maging sa internasyonal na entablado upang higit pang itaguyod ang P-pop scene. Kasama sa mga dumalo at nag tangal sa KCON LA 2024 ang biggest K-pop Groups na NMIXX, STAYC, ZEROBASEPONE, P1 Harmony at ang BOYNEXTDOOR.

Matagumpay na nairaosl ng BINI ang kanilang pagtatanghal at ibinida nila ang kauna-unahang international song na pinamagatang “Cherry on Top”. Kahit hindi isang K-pop Group ang BINI, sinuportahan at nagsihiwayan parin ang mga dumalo sa KCON LA 2024 dahil sa kanilang ipinamalas na husay sa pag kanta at pag sayaw.Ang #BINIatKCON2024 ay naging usap-usapan sa X na puno ng papuri sa talento ng grupo at mga post ng paghanga sa kanilang kagandahan at husay sa kanilang performance.

 ‘I’m overwhelmed, the KCon stage is no joke. Bini is just on another level and I AM SO D*** PROUD.’

Matapos ang performance ng BINI sa KCON LA 2024, ilang miyembro ng BINI kabilang si Sheena at Colet ay natuwa sa performance ng kanilang ini-idolo na KPOP Boy Group na Enhypen. Binahagi ni Bini Sheena ang signed album ng Enhypen.

 

Photo Courtesy: Bloom International