Cebu Pacific naglabas ng piso sale para sa muling pagbabalik ng Iloilo to Hong Kong flights sa October 2024. Makukuha ang piso deal simula ika-26 ng Hulyo hanggang ika-31 ng Hulyo, 2024, kung saan makakapag travel ang mga turista simula ika-27 ng Oktubre, 2024 hanggang ika-29 ng Oktubre, 2024. Dahil dito, ang Cebu PAcific ay ang nag iisang airline sa Iloilo na magooperate ng international flights.
Sa pagbabalik ng Iloilo to Hong Kong flights, maaari nang magtravel ang mga turista papuntang Hong Kong ng tatlong oras kung saan mas mapapadali ang kanilang byahe kumpara sa pagbobook ng connecting flights na umaabot ng labing dalawang oras kasama na ang layovers.
Gayunpaman, ang mga flights galing Hongkong pabalik ng Iloilo at mga flight ng Iloilo papuntang Hong Kong ay magooperate lamang ng apat na beses sa isang linggo; Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo.
Photo Courtesy: Cebu Pacific Air