PBBM pinapaalaam kung gaano ba kalaki ang epekto ng oil spill sa kapaligiran

Inabisuhan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na alamin ang epekto oil spill sa  lumubog na motor tanker sa baybayin ng Limay, Bataan noong Huwebes, Hulyo 25.

Sa isang briefing sa Presidential Security Command sa Maynila inutusan ni Pangulong Marcos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Department of Science and Technology (DOST), at ang Philippine Coast Guard (PCG) na manguna sa assessment.

Hiniling ni Pangulong Marcos sa mga ahensya na ibigay ang lahat na kinakailangang datos upang makatulong na makapagbigay daan sa mga awtoridad na tugunan ang nasabing oil spill at epekto nito sa kapaligiran.

Binigyan diin ni Pangulong Marcos na kailangan ang mga eksperto sa pagsusuri ng sitwasyon upang makapaghanda ang gobyerno ng agarang relief at mitigation measures.

Ang MT Terra Nova ay nagdadala ng humigit-kumulang 1.4 metric tons ng industrial fuel oil nang tumaob ito at tuluyang lumubog sa 3.6 nautical miles mula sa Lamao Point, isang coastal barangay ng Limay, Bataan, dakong 1:10 a.m.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista na karamihan sa mga tripolante ng Oil Tanker ay nailigtas na ng PCG.

“We already coordinated with the private sector, Harbor Star, and [it] will deploy the resources as soon as it will be possible,” sabi pa ni Bautista.

Photo Courtesy: Philippine News Agency