Award winning movie na ‘How To Make Millions Before Grandma Dies’ irerelease na sa Netflix ngayong darating na ika-12 ng Setyembre.
Ito ay pinagbibidahan ng Thai actor na si Putthipong Assaratanakul o mas kilala bilang Billkin at gumanap na M sa nasabing pelikula, kasama nya rito ay ang aktres na si Usha Seamkhum na gumanap naman bilang si Amah.
Matatandaan na nirelease ang ‘How to Make Millions Before Grandma Dies’ noong ika-18 ng Hulyo na agarang bumenta sa masa at naging dahilan upang ito ay magtamo ng mahigit 1 bilyon bahts at kilalanin bilang highest-grossing Thai film of all time sa Singapore, Malaysia, at Pilipinas.
Dahil sa hindi mapantayang pagkilala at suporta ng mga tao sa pelikula ay nakatanggap din ito ng ibat-ibang award, kabilang na rito ang Audience Award na iginawad ng New York Asian Film Festival at Best Film na iginawad naman ng Cambodia International Film Festival.
Tinatalakay ng ‘How to Make Millions Before Grandma Dies’ ang kuwento ng isang college dropout na si M na tumigil sa pagtatrabaho upang kanyang maalagaan ang kanyang Lola na may sakit.
Dito ay matutunghayan ang tibay nang samahan ng maglola na labis na nagpaluha at umantig sa puso ng mga manonood.