LOST SABUNGEROS: NOW S̶H̶O̶W̶I̶N̶G̶ (CROSSING)

Ang Cinemalaya – Independent Film Festival ay taun-taong inaabangan para sa pagsasanib puwersa ng mga likhang Pinoy na pelikula na may mahabag-damdamin na istorya. Subalit  isang pangamba ang naiatas sa isang dokumentaryong malapit na sanang matunghayan sa mga sinehan – Oo, sana. Masisilayan na sana, ngunit ipinatigil ang pagmamaniobra sa pelikula.

Ayon sa inilabas ng Cinemalaya noong  ika-4 ng Agosto sa kanilang social media page ay kanselado ang pagpapalabas ng Lost Sabungeros sa sinehan matapos nitong tanggalin sa rason na “security concerns”. Tila ay hindi natin makita kung nasaan ang security concerns kung ang ipapakita lamang ay mga katotohanan sa likod ng istoryang ilang taon nang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang wakas.

Cinemalaya pero hindi malaya?

Isa sa tinatalakay ng kauna-unahang investigative documentary film na “Lost Sabungeros” ay ang pagkawala ng tatlumpung mga sabungero na paulit-ulit nang naging laman ng mga balita sa telebisyon at radyo.

Ito lamang ang natatanging oras upang maisiwalat sa publiko ang dahilan ng pagkawala ng mga sabungero, ngunit reyalidad na ang nagsasabi. Ika-nga nila “the truth will set you free” — ngunit sa estadong ito, nasaan ang salitang kalayaan? Tila pinakawalan nang tuluyan, para hindi malaman ng mamamayan ang katotohanan.

Katotohanan pero naglolokohan?

Ang tanging nailabas lamang ng GMA tungkol sa dokumentaryo ay ang trailer nito na tumagal ng dalawang minuto at dalawampu’t isang segundo, at sa ikli ng oras na ito, katiting lamang ang kayang masilayan, o ‘di kaya’y hanggang dito na lang din ang masisilayan. 

Tinagurian na isang mabigat na kaso ang mga nawawalang sabungero simula noong administrasyon ng Duterte hanggang ngayon.

Naging malaki ang ingay na inilikha ng ‘e-sabong’, matapos magsunod-sunod ang pagkakabalita ng mga nawawalang sabungero at mga Pilipinong nalululong dito.

Tuluyang pinatigil ni dating presidente Rodrigo Roa Duterte ang operasyon ng electronic sabong matapos mawala ng tatlumpung sabungeros na sinasabing nalulong sa bisyo. Nilagdaan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order No. 9 kung saan suspendido pa rin ang mga e-sabong, at aasahang makukulong ang magkakaroon ng sala sa batas na pinirmahan noong Enero 2023.

Dalawang tao ang nabanggit at ipinakita sa teaser ng Lost Sabungeros: Charlie ‘Atong’ Ang at Bato Dela Rosa. Matunog ba?

Ani nga ni Atong Ang, “I’m a Gambling Lord, but a legal one” noong 2010 matapos nitong mabansagan ni dating Senadora Miriam Defensor Santiago sa kanyang pagkakasangkot sa jueteng operators, isa sa mga gaming operations ng Pilipinas. Dagdag pa nito, “Ever since the start, I’ve never been involved with illegal gambling.”

Kinilala rin si Atong Ang bilang co-founder ng Ultimate Fighting Cock Championship (UFCC) at binansagan ang sarili bilang ‘cockfight enthusiast’.

Ngunit ano ba ang naging ambag nito sa Lost Sabungeros?

Malalaman palang natin ang ibang detalye sa pelikulang ito, ngunit paano? 

Si Atong Ang ang isa sa mga kinikilalang nagmamay-ari ng tatlong malalaking arena ng sabungan, ito ay ang Lucky 8. Ayon sa mga pulisya, sa Lucky 8 din huling namataan ang mga nawawalang sabungero.

May kinalaman ba rito si Ang o  wala? Bakit siya ang dinidiin sa isyung ito?

Ang kaso ng mga sabungero ay nagsimula noong buwan ng Abril 2021 at hanggang ngayon ay h8ndi pa rin natatapos ang imbestigasyon. 

Si Senator Ronald Bato Dela Rosa ay iisa lamang sa ilang mga senador na kumwestyon sa pagpapalaganap ng e-sabong noon.

“Parang ang Lucky 8, parang inano nyo na na guilty e. Trial by publicity. Papatunayan ko sainyo na may conspiracy dito,” batay kay Ang.

Ang cockfighter typhoon ay isa lamang sa mga naging biktima ng pangangahas ng mga polisya sa trabahong mayroong ito.

ANG-galing!

Igiinit naman ni Senador Bato na hindi niya ikinokondena si Ang bilang guilty gaya nang inihahayag ng iba tungkol sa kaniya at aniya wala pa rin namang ebidensyang may kinalaman si Ang sa pagkawala ng mga ito.

Wala nga ba?

Ang cockfighter tycoon ay isa lamang sa mga naging biktima ng mapangahas na panduduro ng mga polisya.

Ayon sa inilabas na datos ng Department of Justice, natunton na ang tatlong suspek sa kidnapping ng isang sabungero, at ito’y kinikilala bilang mga police officials, at nitong nakaraang taon lamang ay inilabas din ng DOJ ang ilang mga litrato ng iba pang mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero.

Kasabay ng pagtigil ng dokumentaryo sa sinehan ay ang bagsik na katotohanan na hindi pa patay ang balita at lalong lalo na, hindi pa patay ang istorya ng mga taong nasa likod nito.

Tama nga ang sinabi nila. Ang hindi pagtuloy ng Lost Sabungeros sa Cinemalaya ay isang banta. Banta saan? Sino nga ba ang tunay na pinoprotektahan? 

Ika-nga, nabansagang ‘Cinemalaya Independent Film Festival’ pero hindi malaya, at lalong lalo nang hindi rin independent.

Sa ganitong pagkilatis, hindi lamang pangalan ang pinanghahawakan natin, bagkus, narito tayo upang mapakinggan ang hinaing ng mga taong ilang taon nang nagtimpi at itinikom ang kanilang mga bibig matapos ang trahedyang bumabagabag sa kanila bawat oras at araw na lumilipas.

LOST SABUNGEROS: Now Showing to Now Crying

Isang luha para sa pagpapatigil ipalabas sa nakararami, tatlong patak para sa mga taong bumubuo ng pelikula, at buhos ng luha para sa mga pamilyang hindi maririnig ang hinaing at lalong lalo na sa mga sabungerong hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon.

LOST SABUNGEROS: Now Fighting

Ang pagkansela ng pelikula sa sinehan ay hindi basehan upang manahimik na ang taumbayan sa kung ano ang kinahaharap ng bansa. Mayroon at mayroong mga taong nagtatiyaga at naghihirap para lamang isiwalat ng kwentong magiging daan sana upang mabuhay muli ang pag-asa ng mga pamilyang naghihintay pa rin sa kanilang mga tahanan at mapakinggan ng sambayanan. 

Para sa’yo, ito na ba ang malayang tatanggapin mo? Ito na ba ang Cinemalaya na inaabangan mo? Bilang ordinaryong tao, anong gagawin mo kapag isang araw, gumising ka sa tilaok ng manok ngunit wala na ang mga taong nasa paligid mo? Paano kung sino pa ang nag-alay ng dugo’t pawis sa pagbuo ng pelikula ay patatahimikin mo? Sino ang Malaya? Sino ang nakalaya? Tayo nga ba, Cinemalaya?