Calamity loan ng SSS at GSIS, pwede nang kumuha

Nag anunsyo ang Social Security System (SSS) na pwede nang kumuha ng Calamity Loan ang mga naapektuhan na mga miyembro nito na nakatira sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.

Layunin ng pautang na ang makatulong sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong Carina.

Ayon kay chief executive officer Rolando Ladesma, maaaring makakuha ang mga miyembro ng pautang na katumbas ng kanilang isang buwang sahod, o hanggang sa halagang P20,000.

Maaaring bayaran ang nasabing pautang sa loob ng 24 na buwanang hulog na may taunang interes na 10 porsyento, sa www.sss.gov.ph website. 

Upang makakuha ng pautang, ang miyembro ng SSS ay dapat:

– Magkaroon ng hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon, anim sa mga ito ay dapat na nai-post sa loob ng nakaraang 12 buwan bago ang buwan ng pagsusumite ng aplikasyon

– Nakatira o nakaregistro sa deklaradong lugar na naapektuhan ng kalamidad

– Hindi hihigit sa 65 taong gulang sa oras ng aplikasyon ng pautang

– Walang final benefit claim tulad ng permanenteng total disability o pagreretiro

– Walang overdue na SSS Short-Term Member Loans

– Walang outstanding na restructured loan o calamity loan

Kapag naipasa, ang mga nalikom na pautang ay ipapasok sa rehistradong Unified Multi-Purpose Identification (UMID)-ATM Card ng miyembro o sa kanilang mga aktibong account sa isang banko na kasali sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet), paliwanag ni Macasaet.

Samantala ang Emergency Loan (EML) ay bukas na para sa mga naapektohang miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS). Ang pautang na ito ay maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon o 36 buwanang hulog na may interes na anim na porsyento bawat taon. Kung ito ay i-rerenew, ang balanse ng natitirang pautang ay ibabawas mula sa nalikom ng bagong pautang.

Upang maging kwalipikado sa pautang ng GSIS, narito ang mga sumusunod na pamantayan:

-isang tunay na residente o empleyado ng opisina ng gobyerno sa loob ng deklaradong lugar na naapektuhan ng kalamidad;

-nasa aktibong serbisyo at hindi naka-leave of absence nang walang bayad;

walang pagkakautang sa pagbabayad ng mandatory social insurance contributions; at

-walang pautang na idineklara na default.

Ang mga lugar na tinamaan ng kalamidad ay dapat ideklara na nasa ilalim ng estado ng kalamidad ng Sangguniang Panlalawigan/Panglungsod at/o ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Narito ang mga lalawigan na pwede na mag apply mula ika-26 ng Hulyo  hanggang ika-25 ng Oktubre, National Capital Region (NCR), Batangas, at Rizal.

Para sa mga kwalipikadong nais mag pa miyembro sa pamamagitan ng online registration maaari silang pumunta sa GSIS Touch Mobile App. Pwedi rin nilang isumite ang kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks na matatagpuan sa lahat ng sangay ng GSIS, mga pangunahing tanggapan ng gobyerno tulad ng Kagawaran ng Edukasyon, mga kapitolyo ng lalawigan, mga city hall, mga tanggapan ng munisipyo, at mga napiling Robinson’s at SM malls.

 Para sa buong detalye ukol sa mga Calamity Loan at Emergency Loan Program maaaring bisitahin ang facebook page ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) para sa application procedures.

Photo: Philippine News Agency

Source: https://www.gsis.gov.ph/gsis-earmarks-p18-5-b-in-emergency-loans-for-typhoon-carina-and-habagat-victims/#:~:text=These%20regions%20have%20been%20declared,26%20to%20October%2028%2C%202024.

https://news.abs-cbn.com/business/2024/7/24/sss-offers-calamity-loan-to-typhoon-affected-members-1854