Idinagdag ni Gary Valenciano ang bagong petsa para sa kanyang inaabangang, “Pure Energy 40th anniversary” para sa kanyang gaganapin na concert sa Big Dome. Inanunsyo ni Mr. Pure Energy ang masayang balita sa kanyang Instagram post noong ika-6 ng Agosto, kung saan ito ay kaniyang ika-60 na kaarawan.
Ibinihagi ni Gary Valenciano ang isang poster na may mga numero at may mga nakalagay na salitang, “Energy, hope, revival, legacy, one more time.” Sa ilalim ng poster, sinabi na gaganapin ito sa ika-20 at 22 ng Disyembre sa Araneta Coliseum.
Labis na nagpapasalamat ang singer sa mga fans at mga bumati sa kanyang kaarawan.
“Thanks to all of those who’ve greeted me and have reminded me how old I am today,” Ayon kay Gary V.
Ilan sa mga nakasama niya sa industriya ang bumati sakanya, kabilang sina Daren Espanto, AC Bonifacio at Janno Gibbs at iba pang mga nakasama niya sa industriya.
“And as I enter this new era as a senior, let’s take it back to where it all began 40 years ago, and do this one more time,” dadag niya kasama ang hashtag na #GaryVPureEnergyONEMORETIME.
Noong mga nakaraang buwan nagkaroon ng tatlong matagumpay na Pure Energy concert si Gary Valenciano. Ang nasabing concert ay bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-40 na anibersaryo sa industriya.
Dalawang concert ang ginanap noong Abril, kung saan kasama sa kanyang special guest na si Asia Limitless Star Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na naging guest sa kanyang unang araw na concert.
Ang concert ay directed ng kanyang anak na si Paolo Valenciano. Noong July isa sa mga naging guest ni Gary Valenciano si Stell ng SB19 sa noong concert sa New Frontier Theater.
Kasama ang top hit song ni Gary V na “Di Bale Nalang,” “Di Na Natuto,” “Shout For Joy,” and “Take Me Out of the Dark.”
Photo Courtesy: ABS-CBN NEWS/Binibining Pilipinas YT