Dating GMA artist Central talent na si Gerald Santos ay mangiyak-ngiyak na ikinwento ang kanyang karanasan sa Senate of the Philippines patungkol sa nangyaring pangrarape ng GMA’s staff sa kanyang noong minor de edad pa lang siya.
“2005 po nangyari and nilabas ko po ito noong 2010, dahil po sa takot po, sa kahihiyan dahil po n’ong time na yon ay hindi pa naman po katulad ng panahon ngayon na mas open na po ang lahat and ang nangyari po kasi n’on your honor ay gusto po namin mag pursue ng legal action but yong nakausap po naming lawyer that time parang tapos na raw po yong prescription period,” ani ni Gerald sa kanyang pahayag.
Kinwestyon naman ni Jinggoy ang binata kung walang ginawang aksyon ang nasabing network sa nangyaring rape. Wala umanong malinaw na resolusyon ang nakarating sa partido ni Gerald Santos ngunit may kopya na hawak si Senate President Jinggoy Estrada na nasuspende at na-terminate na ang staff na nang rape sa binata.
“After po n’ong nagreklamo ako sa GMA, natanggal po ako. Hirap na hirap po ako kung paano ko itataguyod pamilya ko.” ayon kay Gerald Santos.
Ipinakita rin ni Santos ang suporta nito kay Sandro Muhlach na kailan lang na nagsampa rin ng kaso sa isa ring GMA contractors dahil sa sexual abuse.